Haye umaasa na matutuloy pa rin ang Pacquiao-Mayweather fight

MANILA, Philippines - Bagamat naitakda na ang paghahamon ni Floyd Mayweather, Jr. kay Sugar Shane Mosley sa Mayo 1, umaasa pa rin si world heavyweight champion David Haye na mangyayari ang inaabangan niyang laban nina May­weather at Manny Pacquiao.

Sinabi ni Haye sa pa­na­yam ng The Telegraph na dapat lamang na ma­tuloy ang Pacquiao-May­weather megafight nga­yong taon.

“It is definitely a fight which needs to happen, for the state of boxing. It is one that has to be made. I was itching to see that fight, and was ready to go over for it at one point,” ani Haye.

Natunaw na parang bula ang banggaan nina Pacquiao at Mayweather nang ipilit ng American figh­ter ang pagsasailalim nila ng Filipino world seven-division champion sa isang Olympic-style drug testing.

Dahilan nito, kinuha ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Joshua Clot­­tey ng Ghana para hamunin si Pacquiao noong Marso na nagresulta sa isang unanimous decision win ni “Pacman”.

Kasalukuyang abala ang 31-anyos na si Pacquiao sa pangangampan­ya sa Sarangani para sa inaasam niyang Congres­sional seat.

Para maitakda ang Pac­quiao-Mayweather showdown, kailangan munang talunin ni Mayweather si Mosley sa Mayo 1 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Show comments