^

PSN Palaro

Team DCM nagpasiklab uli

- Ni Angeline Tan -

SUBIC , Philippines --Ininda ni Tots Oledan ng American Vinyl ang maagang pagremate upang maungusan pa sa meta ni James Ball ng DCM Team sa pinaglaba­nang Quezon City hanggang Boardwalk Subic Stage 3 ng 2010 Le Tour de Filipinas kahapon dito.

Kabilang sa main peloton na nilamon ang pitong-kataong lead pack pagpasok sa huling 10 kilometro ng karera, si Oledan ay nagkamali sa kanyang dis­karte upang maubos na at hindi matapatan ang malakas na pagdating ng 32 anyos na si Ball.

“May kaunting pagkakamali ako dahil napa-aga ang bitaw ko kaya kinapos na talaga ako. Pero hindi ko na rin inisip na matalo ako dahil mas mahalaga sa akin na makuha ko ang top three para ma­protektahan ng team namin ang kalamangan sa team classification,” wika ng 21-anyos tubong Carilara, Leyte, na si Oledan, na nagbitbit ng P42,000 gantimpala.

 Halagang P84,350 na­­man ang napasakamay ni Ball na ika­lawang DCM rider din na nanalo sa apat na yugtong karera na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions, Inc. (DOS-I) at inihandog ng Tanduay katuwang ang Air21 at Smart.

“I think winning the individual title is remote but we are trying to win the other stages and hopefully land number two,” wika ni Oledan na pinangunahan ang 13 siklista na tumapos sa tiyempong 3 oras, 14 minuto at 11 segundo.

Kasama ngang tuma­wid sa unang pangkat ang yellow jersey holder na si David McCann ng Giant Asia Riding Team para mapanatili ang kala­mangan sa individual ca­te­gory.

May kabuuang 8:­05:12 tiyempo na ang 37-anyos na si McCann, ang first stage winner, pero napalawig pa nito ang abante sa dalawang Filipino riders na sina Lloyd Lucien Reynante ng Team 7-Eleven at Baler Ravina ng Team Pilipinas-Batang Tagaytay nang mapag-iwanan na ng 2:39 at 2:41.

 Ang iba pang siklistang nasa Top 10 sa overall ay sina Irish Valenzuela (4:27) at Cris Joven (5:22) ng American Vinyl, 2009 champion Joel Calderon (5:24) at Oscar Rendole (5:41) ng Smart, Jaques Jan­se Van Rensburg (6:38) ng DCM, Sascha Damrow (7:03) ng CCN-Sportswear Colossi at Arnel Quirimit ng Air21 (7:07).

 Ang karera ay matata­pos ngayon sa isang Ta­gaytay to Tagaytay ra­ce na katatampukan ng dalawang ahunan na siyang magdedetermina ng kampeon ng Tour.

“Malayo pa iyan dahil ang last stage ay mahirap at puwede pang makasilat sina Reynante at Ravina,” wika naman ni Race Director at dating Tour champion Paquito Rivas.

Ang American Vinyl ay patuloy din ang pangu­nguna sa team classifica­tion sa naipundar ng 24:43:03 para sa 2:30 ben­tahe sa Smart at 8:16 ag­wat sa 7-Eleven.

AMERICAN VINYL

ANG AMERICAN VINYL

ARNEL QUIRIMIT

BALER RAVINA

BOARDWALK SUBIC STAGE

CRIS JOVEN

DYNAMIC OUTSOURCE SOLUTIONS

OLEDAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with