^

PSN Palaro

UST nakaligtas sa Lyceum sa MBL

-

MANILA, Philippines - Napigil ng University of Santo Tomas ang mainit na rally ng Lyceum-Showa upang maitakas ang isang kapana-panabik na 88-85 panalo at makasalo sa win column sa 2010 MBL Open basketball championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Sa rematch ng kanilang ti­tle showdown nung nakalipas na taon na napanalunan ng Ly­­ceum, ang Tigers ay kaagad nagpakitang-gilas sa unang mga min­uto ng laro upang hawakan ang trangko at buong husay na binigo ang tangkang pagha­bol ng Pirates upang tuluyang ma­­sungkit ang kanilang unang panalo sa nasabing eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Communications, PRC Ma­nagerial Services at Dickies Underwear.

Sina Jeric Teng, Jeric For­tuna at Clark Bautista ay nagtulong sa 59 puntos para sa UST, na nag-improve sa 1-1 kartada.

Si Teng, anak ni dating PBA player Alvin Teng at Fortuna ay kapwa tumipa ng tig 20 pun­tos, habang si Bautista ay nag-am­bag ng 19 puntos para sa UST.

Nagdagdag din si Carmelo Afuang ng 13 puntos para sa UST, na ginagamit ang natu­rang kumpetisyon bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na UAAP.

Nanguna para sa Lyceum si Victor Medina, Jr., na may 21 puntos, kasunod si Patrick Ca­bahug (20) at Mark Fampulme (17).

ALVIN TENG

CARMELO AFUANG

CLARK BAUTISTA

DICKIES UNDERWEAR

JERIC FOR

MARK FAMPULME

PATRICK CA

SHY

SI TENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with