AdU, Lyceum belles asam ang quarterfinals

MANILA, Philippines - Patatagin ang puwesto sa su­sunod na yugto ng kompetis­yon sa 7th Shakey’s V-League ang hangad ngayon ng Lyceum at Adamson sa pagpapatuloy ng aksyon sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Lyceum ang wala pang panalong St. Benilde sa unang aksyon ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng tagisan ng Adamson at University of San Jose Recoletes ng Cebu dakong alas-4 ng hapon.

Ang apat na koponang nabanggit ay kasama ng pahi­ngang Ateneo sa Group A at ang Lady Pirates ay magsosolo sa li­derato kung manalo sa Lady Bla­zers.

Pinapaboran ang Lyceum lalo nga’t nakitaan ng husay ang kinuhang Thai import na si Porntrip Santrong na nagpakawala ng 27 puntos para tulungan ang koponan na makabangon buhat sa 1st set kabiguan at kunin pa ang 19-25, 25-21, 25-17, 25-21, panalo sa Adamson.

Kung mapapanatili ni San­trong ang mainit na paglalaro at makukuha pa rin ang suporta bu­hat kina Joy Cases, Dah­lia Cruz at Nica Guliman ay ma­nga­nganib na ang Lady Bla­zers dahil isa pang kabiguan ay mag­lalagay sa kanila sa isang paa sa hukay sa maagang eliminasyon sa torneong inorganisa ng Sports Vision at iprinisenta ng PLDT MyDSL at handog ng Sha­key V-League.

Tanging ang apat na mangu­ngunang koponan sa magkabi­lang grupo ang aabante sa quarterfinals sa torneong binigyan din ng ayuda ng Mikasa, Accel at Mighty Bond.

Ang Adamson naman ay hinahanap ang ikalawang sunod na panalo matapos unang ma­bigo sa Lyceum.

Sina Angela Benting at da­ting MVP Nene Bautista ang ma­ngunguna sa Lady Falcons sa pagharap sa Lady Jaguars na magbubukas naman ng kanilang kampanya sa torneo.

Papasok ang Adamson bu­hat sa 25-11, 25-14, 23-25, 25-22, panalo sa St. Benilde sa hu­ling laro.

Show comments