Boyes kampeon

MANILA, Philippines - Nagkampeon si Karl Boyes ng Great Britain sa katatapos na Etisalat WPA World 8-Ball Championship 2010 sa Fujairah Tennis Club sa Fujairah, United Arab Emirates nitong Sabado ng gabi.

Tinalo ni Boyes si Niels ‘The Terminator’ Feijen ng Netherlands via13-12 sa finals tungo sa pagsubi ng $17,000 winner’s cheque.

Ang pinaka importante ay napasama si Boyes sa elite group ng Briton world champions na kinabibi­langan nina Daryl Peach at Darren Appleton, na na­kopo ang world titles sa 9-ball at 10-ball.

Ang iba pang Filipino na tampok sa week-long sanctioned ng World Pool Billiard Association (WPA) ay sina Ronato Alcano, Marlon Manalo, Dennis Or­collo, Lee Vann Corteza, Jeffrey de Luna, Joven Al­ba, Antonio Gabica, Lee Vann Corteza, Jeffrey de Luna, Ruben Bautista at Kim Aquino.

Ito din ang kauna-una­­hang pagkakataon na wala man lang isang Filipino ang nakausad sa world 8-ball finals simula pa ang Pinoy domination sa inauguration nitong 20­05.

Show comments