Billiards tryouts
MANILA, Philippines - Ilang serye ng try-outs para sa membership ng Philippine men’s billiards and snooker teams para sa 16th Asian Games ay tutumbok sa Lunes sa Philippine Sports Commission billiards center sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ito ang inihayag kahapon ni Billiards and Snooker Council of the Philippines (BSCP) president Bong Ilagan.
Ang mga billiards and snookers players na tumapos sa top three standings sa high-level competitions kagaya ng World, Continental Championships at Asian Games at ang mga gold medalists sa nakaraang Southeast Asian Games ay maaaring sumali sa nasabing three-week qualifying tournament.
Ang mga slots na nakalatag ay sa men’s 8-ball, 9-ball, carom 3 cushion at snooker teams.
- Latest
- Trending