Gymnova tatayong sponsor sa gymnastics ng 2012 Games

LONDON — Pinapirma na ng organizing committee ng 2012 Olympic Games ang kanilang pang 28th domestic sponsor.

Ang Gymnova ang siyang pinakabagong sponsor ng London Games.

Ang nasabing International Gymnastics Federation-approved supplier ang magbibigay ng mga kagamitan para sa artistic, rhythmic at trampoline competitions.

Kasama rin dito ang para sa training, ayon kay London 2012 chairman Sebastian Coe na nagsabi pang ang sponsorship ay ang “the best sporting equipment for athletes.”

Ang mga sister companies ng Gymnova ang siya ring magbibigay ng mga wrestling mats at podiums para sa iba pang sports.

Ang China ang naging overall champioon noong 2008 Olympics.

Show comments