^

PSN Palaro

Coscolluela tiwalang makukuha ang basbas ng FEI

-

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Partylist Congresswoman Carissa Coscolluela na makukuha niya ang suporta ng international equestrian federation (FEI) bilang lehitimong bagong pangulo ng Equestrian Association of the Philippines (EAP).

Ang binitiwang paha-yag ni FEI vice president Christopher Hudson nang bumisita ito noong nakaraang taon bukod pa sa mismong batas na na­kasaad sa IF Constitution patungkol sa pagga­wad ng pagkilala sa isang national federation ang nagtuturo sa grupo ni Cos­colluela bilang tunay na grupo sa EAP.

Nanalo sa eleksyon sa pampanguluhan ng EAP si Coscolluela nitong Marso 31 na ipinag-utos ng Makati Regional Trial Court.

Ang katagisan ni Cos­­­colluela na si Pe­ping Co­juangco Jr. na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), at hindi kumikilala sa resulta ng eleksyon da­­hil hindi umano ito ma­ka­tuwiran dahil hindi ito bo­ses ng nakararaming in­dibidual sa EAP.

Si PSC chairman Harry Angping ang siyang tu­mayong inducting officer at nakasama ni Coscolluela na pinanumpa sa ka­nilang posisyon sina ice president Jones Lanza, cor­porate secretary at trea­surer Tata Montilla, sec­retary general Mitos Belofsky at director Toni Leviste.

Hindi naman nakadalo ang dalawang director na sina Michael Gonzales at Toti de Leon dahil sa may pinagkaabalahang mahalagang bagay.

Lumiham na si Coscolluela sa FEI para sa hinihinging basbas at naniniwala ito na hindi tatagal sa loob ng isang buwan ay maggagawad na ng desis­yon ang kanilang IF.

Sumulat na rin siya sa POC para sa rekognisyon ngunit alam niyang malabo pa itong mangyari dahil nga sa ang pangulo nito ay si Cojuangco. (ATan)

CHRISTOPHER HUDSON

COSCOLLUELA

EQUESTRIAN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HARRY ANGPING

JONES LANZA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MICHAEL GONZALES

MITOS BELOFSKY

PARTYLIST CONGRESSWOMAN CARISSA COSCOLLUELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with