^

PSN Palaro

Deadline sa National Geographic run itinakda

-

MANILA, Philippines – Nakatakda ang deadline sa pagpapatala para sa National Geographic Channel’s Earth Day Run sa Abril 11 kung saan ang inaugural staging ay aalpas sa Abril 18 sa ganap na alas-5 ng umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Halos 2,000 runners ang nagkumpirma na ng ka­­nilang partisipasyon sa na­sabing fund-raising event na naglalayong maimulat ang mga tao sa kahalagahan ng planeta.

Ang walk-in registration ay tinatanggap sa Nike out­let sa Bonifacio High Street, sa Timex outlets sa SM Mall of Asia at sa North EDSA hanggang Abril 11, habang ang online listup ay makukuha sa www.natgeorun.com; http://www.natgeorun.com. hanggang Abril 14.

Ang mga events ay ang 3K, 5K at 10K races na may entry fees na P500 (3K run), P600 (5K) at P700 (10K). Kasama na rito ang li­mited edition Earth Day Run technical shirt, ayon sa nag-oorganisang FOX International Channels Territory.

Ang makakalap na pondo sa event ay mapupunta sa Design Against the Elements (DatE), isang global architectural design contest na naglalatag ng solusyon ukol sa climate change.

ABRIL

BONIFACIO HIGH STREET

DESIGN AGAINST THE ELEMENTS

EARTH DAY RUN

INTERNATIONAL CHANNELS TERRITORY

KASAMA

MALL OF ASIA

NAKATAKDA

NATIONAL GEOGRAPHIC CHANNEL

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with