Pagkakaayos sa liderato sa EAP lalong lumabo, MRTC iniutos ang eleksyon

MANILA, Philippines - Ang inaasahang ma­ayos na pagtatapos sa problema sa liderato sa equestrian ay lumabo na matapos ang paghihima­sok ng korte sa nasabing usa­pin.

Ipinag-utos ni Judge Jo­selito Villarosa ng Ma­kati Regional Trial Court Branch 66 ang pag­sa­sagawa ng eleksyon sa Equestrian Association of the Philippines (EAP) kahapon na nagresulta sa pagkakaluklok ni Partylist Congresswoman Carissa Coscolluela.

Naiupo rin sina Juan Ra­mon Lanza bilang vice pre­sident, Jose Ma. Montilla bilang corporate secretary at treasurer, Milagros Belofsky bilang sec-gen, Michael Gonzales, Toti de Leon at Marie Antoinet­te Leviste bilang board mem­bers.

Si Coscolluela ay naki­kipagtagisan sa liderato ng EAP laban kay Jose Co­juangco Jr. na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Noong nakaraang taon pa nagsimula ang prob­lema at nanghimasok na rin ang international fe­deration na FEI nang ipadala ang kanilang vi­ce president na si Christopher Hodson noong Nobyembre.

Hindi naman nakapanghimasok ang FEI dahil problemang internal ang usapin pero hiniling sa magkabilang grupo na umupo at mag-usap upang maisaayos ang prob­lema.

Si Cojuangco ay dumalo rin sa pagpupulong na ito sa Makati RTC at tinangka na pigilan ang ha­lalan pero nagmatigas ang mga miyembro upang maidaos ang eleksyon.

Nananalig si Coscolluela na kakatigan na ng FEI ang desisyong ito da­hil ang batas ng bansa ang sinusunod lamang ng korte sa kanilang pagpapa­labas ng desisyon. (ATAN)) 

Show comments