MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang seventh at fifth place finishes noong nakaraang taon, puntirya naman ng Ateneo De Manila University na makapasok sa semifinal round ng nalalapit na Shakey’s V-League.
Ngunit maaari rin silang makarating sa finals sa pamamagitan ng nagbabalik na si Thai reinforcement Keawbundit Sontaya.
Upang makamit ito, sinabi ni Ateneo coach Clint Malazo na kailangang maglaro nang maganda ang kanyang mga Lady Eagles kagaya ng kanilang ginawa sa nakaraang UAAP women’s volley tournament kung saan sila tumapos bilang third-placer.
Naging runner-up ang Ateneo sa Adamson sa 2008 first conference kasunod ang kabiguang makapasok sa semis.
Magbabalik rin para sa Lady Eagles si top hitter Charo Soriano bilang guest player katuwang sina Gervacio, Cainglet, Ho at Ferrer, kinilalang best setter sa UAAP.
Nasa koponan pa rin sina Bea Pascual, Kara Acevedo, Libero Stephanie Gabriel, Misha Quimpo, Mona Bagatsing at Tash Faustino.
Nahulog sa No. 7 ang Ateneo sa nakaraang first conference ng Shakey’s V-League at natalo sa FEU Lady Tams sa playoff para sa No. 4 semis seat sa second conference.