Floyd posibleng huling laban na ni Pacquiao-Roach

MANILA, Philippines - Ang pakikipagharap sa maarteng si Floyd Mayweather, Jr. ang posibleng maging kahuli-hulihang laban ni Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao.

Ngunit maaari pa rin itong mabasura kung mu­ling ipipilit ni Mayweather ang pagsailalim nila ni Pac­quiao sa isang Olympic-style blood testing.

Sa panayam ng FightHype.com kahapon, sinabi ni treainer Freddie Roach na tanging ang Nevada Stat­e Athletic Commission (NSAC) lamang ang may karapatan na magtakda ng regulasyon para sa la­ban nina Pacquiao at May­weather.

“Let the (NSAC) Commission do their job and we’re not gonna let Mayweather run the show for sure because that’s like giving the first two rounds away,” ani Roach.

Dahil sa pamimilit ng 33-anyos na si Maywea­ther na sumailalim sila ng 31-anyos na si Pacquiao sa Olympic-style blood tes­ting, bumagsak ang negosasyon sa pagitan ng Top Rank at Golden Boy Promotions.

Nagsampa rin ng de­manda si Pacquiao laban kay Mayweather, Floyd Mayweather, Sr. at sa Golden Boy Promotions dahil sa paratang na gumagamit siya ng ‘performance-enhancing drugs’ sa kanyang mga laban.

Nakatakda namang ha­munin ni Mayweather si Sugar Shane Mosley para sa hawak nitong World Bo­xing Association (WBA) welterweight belt sa Mayo 1 sa MGM Grand sa Las Vegas,Nevada. (RC)

Show comments