MANILA, Philippines - Kinumpleto ng 25ers ang kanilang ‘Cinderella story’.
Tinalo ng Excelroof ang Pharex B Complex, 97-92, sa Game Two upang walisin ang kanilang championship series at isubi ang 2010 PBL PG Flex Erase Placenta Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.
Umiskor ang 25ers ng ‘sweep’ sa Fighting Maroons sa kanilang best-of-three title showdown.
Muling nagbida para sa panalo ng Excelroof sina Calvin Abueva at Jimbo Aquino nang kumamada sa final canto.
Humugot si Aquino ng siyam na puntos sa huling anim na minuto, kasama rito ang isang three-point shot, habang nagdagdag naman si Abueva ng anim na marka para sa 25ers.
Bumangon ang Excelroof ni Ato Agustin mula sa isang 10-point deficit sa third period laban sa Pharex ni Aboy Castro.
“It’s the character of the boys that carried us to victory, they worked so hard and never lost their resolve even if we fell by 10 points,” wika ni Agustin. “I am going to cherish this win.”
Bago ito, iginiya muna ni Agustin ang five-time champions San Sebastian College-Recoletos sa korona ng nakaraang 85th NCAA at sa CHED National Games.
Natulungan rin ni Agustin ang mga koponan ng YCO, Hope at RFM sa paghahari sa PBL na dating kilalang Philippine Amateur Basketball League (PABL).
Ang tres ni Adrian Celeda ang nagbigay sa 25ers ng 83-81 lamang kasunod ang 6-0 atake na tinampukan ng jumper ni Aquino para iwanan ang Fighting Maroons sa 85-81.
Humakot ang 6-foot-2 na si Abueva ng 22 puntos at 12 rebounds upang tanghaling Finals MVP.
Kinuha ng Excelroof ang halftime, 36-28, bago maagaw ng Pharex ang unahan sa 57-48 sa third quarter.
Samantala, kinilala naman si Fighting Maroons forward Vic Manuel ang Best Player of the Conference
Excelroof 97--Raymundo 24, Abueva 22, Aquino 18, Del Rio 8, Taylor 7, Celda 5, Sangalang 4, Bulawan 3, Pascual 3, Mendoza 3, Bagatsing 0, Delgado 0.
Pharex 92 – Manuel 19, Braganza 14, Reyes 12, Tecson 10, David 8, Arao 7, Gutilban 7, Co 6, Lopez 5, Reyes M. 4, Adolfo 0, Sison 0.
Quarterscores: 20-21; 43-45; 69-73; 97-92.