^

PSN Palaro

Roach tiwala na sasagupain pa ni Pacquiao si Mayweather

-

MANILA, Philippines - Katulad ni Filipino adviser Rex “Wakee” Salud, naniniwala rin si American trainer Freddie Roach na hindi basta-basta mag­re­retiro si Manny Pacquiao.

Inamin ng 49-anyos na si Roach na ang paglaban kay Floyd Mayweather, Jr. ang siyang magbibigay sa Filipino world seven-division champion ng dahilan upang ipagpaliban ang kan­yang pagreretiro.

“Manny Pacquiao will not be retiring. And he’s ve­ry much looking to fight Floyd Mayweather, Jr.,” ani Roach sa panayam ng 8countnews.com.

Nauna nang sinabi ni Salud na ang laban sa 33-anyos na si Maywea­ther ang siyang magiging ‘graceful exit’ na ng 31-an­yos na si Pacquiao, kasalukuyang nasa isang 12-fight winning streak kasama ang walong knockouts.

“The purse will be hu­ge. How can he retire? And aside from the money, the Mayweather fight is the fight that the people will ask for,” ani Salud. “Manny is a boxer, he’s a fighter. If he is called to a fight, he will fight Mayweather.”

Dahil sa ipinilit na Olympic-style drug testing, bu­mag­sak ang negosasyon sa pagitan ng Top Rank at Golden Boy Promotions para sa ikinakasang Pacquiao-Mayweather me­gafight.

Dinadala ni Pacquiao ang 51-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs kumpara sa 40-0-0 (25 KOs) slate ni Maywea­ther.

Sa nakaraang panalo ni Pacquiao kay Joshua Clot­­tey ng Ghana, ma­a­­­aring tumanggap si Pac­quiao ng $13 milyon (halos P598 milyon) hanggang $15 milyon (P690 milyon).

Ang Pacquiao-Clottey fight ay humakot ng 700,000 pay-per-view buys at $35.3 milyon sa domestic television re­venue, ani Mark Taffet ng HBO PPV.

“We are extremely plea­sed with the pay-per-view performance of Pacquiao-Clottey. Fights like this traditionally do not ex­ceed 400,000 buys,” ani Taffet. “It is a testament to the popularity of Pacquiao and the vitality of the sport, and it gives us great encouragement as we look toward the May 1 Mayweather-Mosley pay-per-view fight.”

Ang Pacquiao-Clottey bout ay kumolekta ng 350,000 buys mula sa ca­ble homes, 310,000 mu­la sa satellite homes at 40,000 mula sa telco ho­mes.

Sa nakaraang 12 pay-per-view fights ni Pac­quiao, naglista si “Pacman” ng 6.25 milyon na PPV buys katumbas ang $320 milyong kita.

Ang mga ito ay nanggaling sa kanyang laban kina Clottey, Miguel Cotto (1.2 million buys), Ricky Hat­ton (800,000 buys) at Oscar Dela Hoya (1.25 mill­ion buys).

(Russell Cadayona)

ANG PACQUIAO-CLOTTEY

BUYS

FIGHT

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JOSHUA CLOT

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with