INDIAN WELLS, California--Ginapi ni Jelena Jankovic si Samanta Stosur, 6-2, 6-4 nitong Biyernes upang makarating sa women’s final ng BNP Paribas Open kung saan makakasagupa niya ang Danish teenager na si Caroline Wozniacki.
Pinatalsik naman ni Wozniacki ang fifth-seeded na si Agnieszka Radwanska ng Poland, 6-2, 6-3, at ang panalong ito ang mag-aangat sa kanyang world rankings mula sa No. 2 sa susunod na linggo.
“I’ve done a lot of good results,” wika ni Wozniacki. “The ranking is just a bonus.”
Sisikapin naman ni Jankovic na maipanalo ang kanyang unang korona sa loob ng pitong buwan sa Linggo. Ito naman ang pinakamalaking final appearance ni Wozniacki mula ng matalo noong nakaraang taon sa U.S. Open kay Kim Clijsters.
Samantala, umusad din si Andy Roddick sa men’s semifinals sa bisa ng 6-3, 7-5 panalo laban sa 18th-seeded na si Tommy Robredo ng Spain, na nabigo naman sa American sa ika-11th sunod na pagkakataon.
Susunod na makakapaluan ni Roddick ang No. 6 na si Robin Soderling matapos na gapiin ng Swede ang No. 4 seed na si Andy Murray ng Britain, 6-1, 7-6 (4).