Earth Day Run itinakda sa Abril 18
MANILA, Philippines - Isang patakbo na naglalayong imulat ang mga tao para mas mapangalagaan ang mundo ang isasagawa sa Mall Of Asia Grounds sa Pasay City.
Ang National Geographic Channel (NGC) ang siyang mag-oorganisa ng patakbong ito na tinawag na Earth Day Run 2010 na ilalarga sa Abril 18.
Mga mag-aaral, mga taong nahihilig sa pagtakbo para mapaigi ang kalusugan at mga propesyonal ang inaasahang makikiisa sa karerang katatampukan ng 3K, 5K at 10K distance.
“We are inviting students, professionals, athletes, celebrities, health buffs and the whole family to participate in NGC’s Earth Day Run. We Filipinos care a lot about our health. This time, let’s show our planet we care about its health,” wika ni FOX International Channels Territory director Jude Turcuato.
Ang mga entry fees ay P500 (3K), P600 (5K), at P700 (10K) at mapapasakamay ng mga lalahok ang bibihirang makita na Earth Day Run technical shirts.
Ang malilikom na kita ay gagamitin naman para isuporta sa Design Against Elements (DatE) na naglalayong humanap ng kalutasan sa problema patungol sa climate change.
“The funds we’ll generate out of the event will help build affordable, sustainable, eco-friendly, and disaster-resistant model houses in Taguig City that can withstand environmental calamities like last year’s Ondoy flooding,” dagdag pa ni Turcuato.
Sa mga nagnanais na makiisa, maaari silang magpatala sa online registration hanggang Abril 4 gamit ang websites na http://www.natgeorun.com.
Puwede ring magpatala sa mga Nike outlets sa Bonifacio High Street at Timex outlets sa SM Mall of Asia at North EDSA hanggang April 11.
“On April 18, show the world how much we care. Join the thousands who will wake up early to run, walk, and be counted. A little sacrifice will definitely inspire people to care about our planet,” wika pa ni Turcuato.
- Latest
- Trending