Spirits lumapit sa semis

MANILA, Philippines - Dalawang collegiate outside snipers ang gumiya sa kani-kanilang koponan patungo sa mahalagang panalo.

Nagsalpak si James Martinez ng 18 produksyon para ibigay sa Cossack Blue ang inspiradong 70-69 tagumpay laban sa Ani-FCA, samantalang isi­nalpak naman ni Patrick Cabahug ang isang krusyal na jumper sa huling 7.3 segundo upang ilusot ang Cobra Energy Drink sa Excelroof, 66-65, sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang panalo ng Spirits ni Rene Baena sa Fighting Maroons ni Aboy Castro bukas ang siyang magbibigay sa kanila ng unang semifinals berth.

May 4-0 kartada nga­yon ang Cossack kasunod ang Pharex B Complex (3-1), Excelroof (3-1), Cobra (3-1), Fern-C (1-3), AddMix (1-3), Ascof Lagundi (1-3) at Ani-FCA (0-4).

Matapos kunin ng Spi­r­its ang first half, 38-31, ina­gaw naman ng Cultivators ang unahan, 54-50, sa pagsasara ng third period galing kina JR Sena at Christian Luanzon.

Huling natikman ng Ani-FCA ang lamang sa 65-58 kasunod ang arangkada ni Martinez para sa pang apat na dikit na panalo ng Cossack. 

Ibinigay naman ni coach Lawrence Chongson ang lahat ng papuri sa kanyang mga Ironmen.

Matapos kunin ng Ironmen ang 64-57 abante, isang 8-0 atake ang ginawa ng 25ers upang agawin ang unahan, 65-64, sa hu­ling 41.2 segundo ng laro.

Cossack Blue 70 - Marti­nez 18, Zamar 14, Reyes 8, Saguindel 7, Taganas 6, Canizares 5, Simpson 4, Afable 3, Duran 3, Noble 1, Morillo 1, Etrone 0, Flores 0.

Ani-FCA 69 - Custodio 14, Sena 14, Luanzon 13, Ca­goco 9, Gelasque 6, Pascual N. 6, Sevilla 3, Acosta 2, Pascual J. 2, Lee 0.

Quarterscores: 18-11; 38-31; 50-54; 70-69.

Show comments