^

PSN Palaro

QC Olympics umarangkada na

-

MANILA, Philippines - Ang aktibong pakikilahok sa palakasan ay nakakatulong sa paghubog ng katauhan ng mga mamamayan kaya nararapat paunlarin at palawakin.

Ito ang sinabi ni Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa ika --9 Batang QC Olympics sa lunsod na nilahukan ng 2,000 atleta mula sa 145 barangays.

Katuwang ni Bautista sa proyekto sina Mayor Feliciano Belmonte Jr. at anak na si Joy Belmonte na umaasa na magiging  daan ang paligsahan para  mai­sabuhay ng mga kabataan ng Lungsod Quezon ang sportmanship, katapatan at pagiging  patas sa lahat  ng bagay.

Ayon kay Bautista,  ma­kakabuti kung mamumuhu­nan ang mga lokal na pamahalaan sa palakasan upang  maipakita ang kahu­sayan ng mga kabataan sa kani-kanilang larangan.

Mahigit 2,000 batang atleta ang lumahok sa  Ba­­tang OC Olympics na ginanap sa Amoranto Stadium sa Scout Chua­tuco, Barangay Ro­xas, Quezon City kahapon.

Ayon naman kay Joy Bel­monte, kailangang ma­ging prioridad ng bawat mamamayan hindi lamang mga atleta ang kanilang ka­lusugan hindi lamang sa paglalaan ng pagbibigay ng wastong pagkain kung hindi sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.

Itinaas naman ni Joy ang moral ng mga atleta sa pagkakaroon nila ng tiwala  sa sarili sa harap ng n­apakaraming pagsubok na kinakaharap sa buhay.

AMORANTO STADIUM

AYON

BARANGAY RO

BAUTISTA

JOY BEL

JOY BELMONTE

LUNGSOD QUEZON

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with