CSA tinalo ang Miriam sa WVL

MANILA, Philippines - Muling ipinaramdam ng Colegio San Agustin ang kanilang pagiging paborito na maisubi ang elementary (competitive) title, matapos na igupo ang Miriam College nitong Linggo sa 14th Women’s Volleyball League sa Xavier School gym sa Greenhills, San Juan.

Inilista ng CSA girls ang 25-13, 25-25-23 panalo upang pagandahin ang kanilang record sa malinis na 5-0 sa four-team group.

Bunga nito, paglalabanan ng CSA at Miriam ang korona sa Marso 7 sa UP gym sa Diliman, Quezon City.

Winalis naman ng Hope Christian High School ang kanilang Group A rivals at umusad sa se­mifinals ng high school (competitive) group matapos na hiyain ang Saint Pedro Poveda College, 25-13, 25-9.

Makakasagupa ng Hope ang St. Scholastica’s College A, habang haharapin ng San Antonio de Padua College ang Colegio de San Agustin sa isa pang semifinal matches sa Linggo (Pebrero 28).

Sa iba pang laban sa ele­mentary (competitive), ginapi ng School of Saint Anthony ang Saint Pedro Poveda College sa mahigpitang tatlong set sa iskor na 25-11, 18-25, 25-22.

Show comments