^

PSN Palaro

Koponang kulelat puwede pa sa finals

-

MANILA, Philippines - Maski ang isang koponang nasa ilalim ay may pagkaka­taon pang makahirit ng isang fi­nals berth.

Sa format ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup, ha­hatiin sa dalawang grupo ang wa­long koponan para sa unang classification round kung saan ang top two sa magkabilang pangkat ay mapupunta sa Class A at ang bottom two ang mahuhulog sa Class B.

Sa pagdadala sa kanilang win-loss record sa ikalawang classification phase, ang top two teams sa Class A ay aabante sa semifinal round bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang bottom two teams naman sa Class A ang haharap sa top two teams sa Class B sa knockout quarterfinals kung saan ang mananalo ay papasok sa semis.

Ang mga mananalo sa semis ang magkikita para sa best-of-three finals series.

Ang 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup na magbubukas sa Martes sa The Arena sa San Juan, ayon kay PBL Commissioner Chino Tri­nidad, ay magiging maikling tor­neo.

“We have more than 50 rookies and another 50 plus veterans, all of them are out to make a name for themselves,” ani Trinidad. “That’s the reason why the PBL continues to exist, we have to help these budding stars fulfill their dreams of pla­ying in the pro league.”

Ang mga koponang makikita sa aksyon ay ang Cobra Ener­gy Drink, Ascof Lagundi (da­ting Pharex), Fern-C, Excel Roof, Pharex B, Cossack Blue, AddMix at Ani-FCA.

Ang Pharex-B ay kinabi­bi­langan ng mga Fighting Ma­roons ng University of the Philipines, habang itatampok naman ng Fern-C si da­ting Gi­nebra pointguard Bal David bilang head coach.

Kabilang sa mga inaasa­hang gagawa ng eksena ay sina Paul Lee, Jai Reyes at Eric Salamat ng Cossack Blue, Jimbo Aquino ng Excel Roof, John Wilson ng Fern-C at Gio Ciriacruz ng Add­Mix. (Russell Cadayona)

ANG PHAREX-B

ASCOF LAGUNDI

BAL DAVID

CLASS A

CLASS B

COSSACK BLUE

EXCEL ROOF

FERN-C

FLEX-ERASE PLACENTA CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with