Miriam, CSA spikers salo sa liderato

MANILA, Philippines - Kapwa ginapi ng Miriam College at Colegio San Agustin ang kani-kanilang kalaban nitong Linggo upang manatiling magkatabla sa liderato sa ele­mentary (competitive) division ng 14th Women’s Volleyball League bitbit ang tig-tatlong panalo sa larong idinaos sa Saint Pedro Poveda College gym sa EDSA.

Hiniya ng CSA girls ang PWU-JASMS, 25-4, 25-7, habang ginulat ng Miriamspikers ang School Of Saint Anthony, 25-14, 25-2.

Umagaw rin ng pansin ang PAREF-Rosehill School’s tossers nang magposte ng da­lawang tagumpay upang kum­pletuhin ang sweep sa kanilang five Group D rivals sa high school (developmental) group.

Tinalo ng PAREF-Rosehill School ang St. Scholastica’s College Westgrove, 25-8, 25-16 at ang Immaculate Heart Of Mary College, 25-11, 25-12.

Sa iba pang resulta, pinabagsak ng Holy Trinity Aca­demy ang St. James College QC, 25-0, 25-0, nalusutan na­man ng The Seed Montessori School ang Assumption College, 27-25, 12-25, 25-23 at pinabagsak ng St. Mary’s College ang St. James College QC, 25-0, 25-0.

Show comments