^

PSN Palaro

RUNNER-UP LANG SA WORLD CHAMPIONSHIP: Team Philippines nadiskaril sa Britain

-

MANILA, Philippines - Bumigay ang tikas ng pag­l­alaro ng Team Philippines upang lasapin ang 1-4 kabi­guan sa Great Britain sa finals ng 1st World Team Pool Cup Championship na idinaos sa Han­nover, Germany.

Nasayang ang magandang panimula ng Pambansang ko­ponan na binuo nina Dennis Or­cullo at Warren Kiamco nang talunin sina Karl Boyes at Daryl Peach sa unang 8-ball Scotch doubles, 6-1, nang matalo ang manlalarong inilaban sa sumunod na tatlong laro.

Sina Ronnie Alcano at Marlon Manalo ay yumuko kina Dar­ren Appleton at Mark Gray sa ikalawang 8-ball doubles, 6-1; si Antonio Lining ay natalo kay Gray, 8-2, at si Lee Vann Corteza ay nasilat ni Boyes, 8-7, sa dalawang 9-ball events; bago tinapos ni Darren Appleton ang labanan sa 7-1 tagumpay kay Orcullo sa 10-ball.

Naglaro pa sina Alcano at Peach at lamang pa nga ang dating double world champion na Pinoy cue artist, 2-1, pero hin­di na ito itinuloy nang maunang natapos ang laro nina Appleton at Orcullo.

Krusyal na laro ang nangyari kina Corteza at Boyes at nagawa ngang lumamang pa ang Filipino cue artist sa 7-6.    

Ngunit nawala kay Corteza ang momentum nang matigil ang laban sa loob ng isang oras upang maidaos ang isang pala­bas. Nang manumbalik ang aksyon ay si Boyes na ang na­ka­pagdomina upang bigyan ng 3-1 kalamangan ang British team.

Sa laro nina Appleton at Or­cullo ay naipakita ng una kung bakit siya ang hinirang na kauna-unahang kampeon sa World 10-ball na ginawa sa Pilipinas tatlong taon na ang na­kalipas nang magpakita ng su­wabeng tumbok para sa dominanteng pagtatapos.

Dahil dito, ang Great Britain na bumangon mula sa one-loss bracket nang talunin ang Israel, ay nakopo ang $100,000 first prize habang ang Pilipinas na hindi natalo sa naunang yugto ng labanan ay nakontento sa $50,000 premyo.

Si World Pool Association (WPA) president Ian Anderson ang siyang naggawad ng magarang tropeo sa Great Britain.

Ang Greece at Russia na natalo sa Great Britain at Pilipinas sa semifinals ay nagkaroon din ng pabuyang umabot sa $30.000.

ANG GREECE

ANTONIO LINING

APPLETON

CORTEZA

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DENNIS OR

GREAT BRITAIN

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with