17 sports event inilatag sa 2010 Palaro
MANILA, Philippines - Magkakaroon na naman ng mga susunod na Olympians kagaya nina Eric Buhain, Lydia de Vega-Mercado, Elma Muros, Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. at Tshomlee Go.
Humigit-kumulang sa 6,000 student athletes mula sa elementarya at sekondarya ang inaasahang lalahok sa 53rd Palarong Pambansa sa Abril 11 hanggang 17 sa Tarlac Recreational Park sa San Jose.
Ang nasabing sports meet ay pamamahalaan ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Tarlac Provincial Government.
Kabuuang 17 sports events ang nakalatag sa 2010 Palarong Pambansa na binubuo ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, artistic gymnastics, rhythmic gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo at tennis.
Ang mga delegasyon ay manggagaling sa Central Luzon, Northern Luzon, South Luzon at National Capital Region (NCR).
Umaasa si DepEd Secretary Jesli Lapus na magiging mataas ang antas ng kompetisyon ngayong 2010 edisyon ng Palarong Pambansa.
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan ng mga mag-aaral sa meet na ito na ilang taon ding hindi naidaos.
- Latest
- Trending