^

PSN Palaro

Henin vs Zheng sa semis

-

MELBOURNE, Australia - Umentra ang dating No. 1-ranked na si Justine Henin sa se­mifinals sa kanyang Grand Slam comeback matapos igupo si Nadia Petrova, 7-6 (3), 7-5 nitong Martes sa Australian Open quarterfinal round.

Susunod na makakasagupa ng walang ranggong si Henin na lumaro dito bilang wild-card entry sa Melbourne Park, ang 2008 Wimbledon semifinalist na si Zheng Jie na pinatalsik naman si Maria Kirilenko ng Russia, 6-1, 6-3.

Nangapa muna si Henin sa second set bago niya tuluyang maitama ang kanyang powerful groundstrokes at nanalo ito ng pito mula sa su­munod na siyam na games na tumapos sa No. 19-seeded na si Petrova.

“I just went for it with my heart. Finally I could make it, and I’m very happy,” wika ni Henin.

Tinalo rin ng 27-anyos na Belgian si Petrova nitong Jan. 4 sa Brisbane International sa kanyang unang match sa tour matapos ang 20 buwan ng kanyang pagreretiro.

Nakarating naman si Henin sa Brisbane final kung saan natalo siya sa tatlong sets sa kapwa niya Belgian na si Kim Clijsters.

Matagumpay na tinapos ni Henin ang pananalasa ni Petrova sa Melbourne, na naunang sinibak ang dalawang reigning major champions patungo sa quarters--si Clijsters sa third round at ang French Open champion na si Svetlana Kuznetsova sa fourth.

Sa kabilang banda, isinama naman ni Zheng ang pangalan ni Kirilenko sa mga malalaking pa­ngalan na kanyang naging biktima na nagsimula sa 3-oras at 21-minutong first round na panalo laban sa 2008 champion na si Maria Sharapova at ang paggapi sa nakaraang taong finalist na si Dinara Safina sa fourth round matapos na mag­retiro bunga ng kanyang problema sa likod.

Sa iba pang laro, tinapos naman ni defen­ding champion Serena Williams ang pag-asa ng hometown bet matapos igupo ang No. 13 na si Samantha Stosur, 6-4, 6-2 sa isang laro sa Rod Laver Arena.

AUSTRALIAN OPEN

BRISBANE INTERNATIONAL

DINARA SAFINA

FINALLY I

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

HENIN

JUSTINE HENIN

KIM CLIJSTERS

PETROVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with