Serena lusot sa 3rd round

MELBOURNE, Australia--Walang naging problema si defending champion Serena Williams sa pagdispatsa kay Petra Kvitova, 6-2, 6-1 at umusad sa third-round match kontra Carla Suarez, na siya namang tumapos sa maagang panimula ni Venus sa nakaraang Australian Open.

Nagtala si Williams ng apat mula sa kanyang 11 breakpoint chances laban sa No. 77-ranked na si Kvitova sa 67-minutong laban nitong Huwebes na agad namang sinundan ng pagpapa­nalo ni Venus sa kalabang si Sybille Bammer ng Austria, 6-2, 7-5 sa Hisense Arena.

Sa iba pang laro, nabigo naman ang 2008 Australian finalist na si Ana Ivanovic na mapalawig ang kanyang masamang pani­mula matapos na madiskaril kay Gisela Dulko ng Argentina, 6-7 (6), 7-5, 6-4.

Kabilang sa mga umusad ay sina Li Na ng China at No. 9 Vera Zvonareva ng Russia.

Show comments