CHARLOTTE, North Carolina--Sapat na ang pag-akyat sa fifth place sa NBA Eastern Conference upang maging agresibo ang Charlotte Bobcats.
Umiskor si Stephen Jackson ng 24 points, habang may 20 points at 10 rebounds si Gerald Wallace upang ilampaso ng Bobcats ang paboritong Miami Heat kahapon.
Nilmita ng Bobcats ang scoring machine ng Heat na si Dwyane Wade para ilista ng Bobcats ang kanilang 21-19 win-loss record.
Laban sa Miami, nagtala ang Charlotte ng franchise-record na 82 percent fieldgoals sa first quarter at nagtayo ng isang 27-point advantage sa halftime.
Inilista pa ng Bobcats ang malaking 41-point lead sa fourth quarter patungo sa kanilang paggupo sa Heat ni Wade.
“I kind of laughed at it, smiled at it,” sabi ni Raymond Felton, tumipa ng 14 points para sa Charlotte sa naunang pahayag ni Michael Beasley ng Miami.
Nang magtala si Beasley ng malamyang 0-for-7 shooting, ikinasa na ng Bobcats ang malaking 59-34 bentahe.
Tumapos si Beasley na may 6 points buhat sa masamang 3-of-11 shooting para sa Heat, habang may 16 naman si Wade buhat sa kanyang 3-of-12 clip.
Sa San Antonio, nagtala si Carlos Boozer ng 31 puntos at 13 rebounds nang banderahan niya ang Utah Jazz sa ikaapat na panalo laban sa Spurs, 105-98.
Hindi pa nanalo ang Jazz sa San Antonio sa loob ng dekada papasok ngayong season, pero nakasikwat na ang Utah ng dalawang road victory laban sa Spurs.
Sa New Orleans, umiskor si James Posey ng driving layup may 1.1 segundo na lamang ang nalalabi sa laro ang nagsalba sa Hornets sa 113-111 paglusot sa Memphis Grizzlies.
Sa iba pang laro, pinabagsak ng Detroit Pistons ang Boston Celtics, 92-86; hiniya ng Dallas Mavericks ang Washington Wizards, 94-93 at sinalanta ng Atlanta Hawks ang Sacramento Kings, 108-97.