Maruming laro ng UAE nalusutan ng Smart Gilas Pilipinas
DUBAI--Isang emosyonal na 79-72 panalo ang itinakas ng Smart Gilas Pilipinas laban sa Al Nasr ng United Arab Emirates patungo sa quarterfinal round ng 21st Dubai Invitational dito sa Al Ahli Indoor Stadium kahapon.
Naging marumi ang paglalaro ng Al Nasr kung saan pumutok ang nguso ni Chris Tiu at nasiko naman sa mukha si JV Casio ni Khalal Msebah.
“I expected this tough game from the domestic team and I also felt we showed a great heart in this tournament in the very difficult moment,” wika ni Smart Gilas’ Serbian coach Rajko Toroman.
Ang naturang mga tres ay mula kina Tiu, Casio at Mac Baracael.
Dala ngayon ng Nationals ang 3-1 baraha sa Group B sa ilalim ng 3-0 ng Al Jalaa kasunod ang 2-1 ng Zain ng Jordan.
Kung magtatapos ang Smart Gilas bilang second seed, makakalaban nila ang No. 3 seed na alinman sa Al Jazeera ng Egypt at national team ng United Arab Emirates na kapwa may 1-2 baraha.
Smart Gilas 79- Casio 16, Sampson 15, Baracael 15, Tiu 13, Cawaling 5, Lassiter 4, Ballesteros 4, Jazul 3, Barroca 2.
Al Nasr 72- Slimen 24, Leslie 20, Jones 16, Obed 5, Hassan 3, Hemed 2, Msebah 2.
Quarterscores: 16-21; 51-39; 62-57; 79-72.
- Latest
- Trending