^

PSN Palaro

State Bill ipinanukala ng boxing head coach ng UNLV

-

MANILA, Philippines - Isang boxing head coach mula sa University of Nevada Las Vegas (UNLV) ang nagpapanukala ng isang state bill mula sa sinapit ni Filipino fighter Z "The Dream" Gorres.

Gusto ni Frank Slaughter na magkaroon ng batas para bigyan ng proteksyon ang 'underinsured fighters' sakaling malagay sa panganib ang kanilang mga buhay habang nakikipaglaban sa ibabaw ng lona.

"Our country has been very good to the Philippines. We’ve always sent aid to the Philippines," ani Slaughter. "As a matter of fact, UMC has sent humanitarian aid in the past to the Philippines. We want them to step up."

Sumailalim na ang 27-anyos na si Gorres sa kanyang ikalawang sunod na major surgery sa University Medical Center sa Las Vegas, Nevada kung saan ibinalik ang bahagi ng kanyang bungo na inalis sa unang operasyon noong Nobyembre.

Matapos ipanalo ang kanyang 10-round bout laban kay Luis Melendez ng Colombia noong Nobyembre via unanimous decision, kumulapso si Gorres.

Isang straight punch ni Melendez ang tumama sa sentido ni Gorres na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng dating title contender ng 'blood clot' sa kanyang utak.

Sa kanyang insurance, $50,000 lamang ang sasagot sa kanyang hospital bill sa UMC na sinabi ni Filipino physician Dr. Benito Calderon na nagamit na sa unang operasyon.

Kabilang sa mga bumisita na kay Gorres sa UMC ay sina Wakee Salud, Buboy Fernandez, Gerry Peñalosa at Rodel Mayol, cutman Miguel Diaz at ang mga opisyales ng Top Rank Promotions na sina Bruce Tampler, Brad Goodman, Sean Gibbons, Dan Pancher at Richie Sandoval, Cornelius “Boza” Edward at Dr. Allan Recto. (Russell Cadayona)

BRAD GOODMAN

BRUCE TAMPLER

BUBOY FERNANDEZ

DAN PANCHER

DR. ALLAN RECTO

DR. BENITO CALDERON

FRANK SLAUGHTER

GERRY PE

GORRES

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with