MANILA, Philippines - May 800 players mula sa iba’t ibang paaralan, badminton clubs at pribadong kompanya ang inaasahang sasabak sa aksyon sa 2nd Go! Badminton tournament na nakatakda sa Pebrero 27 at 28 sa Power-Smash gym sa may Pasong Tamo sa Makati City.
Magbibigay ang Eastern Communications, organizer ng dalawang araw na torneo ng cash prizes at tropeo sa mga magwawagi sa iba’t ibang levels at naniniwalang ang nasabing torneo na perpektong behikulo para ilunsad ang pinakabagong produkto at serbisyo sa publiko.
“We are very excited to bring the 2nd Go! Badminton Tournament to all sports enthusiasts. We know how popular badminton is to a lot of people and we are expecting more players will join this year,” pahayag ni Alex Salud, director ng product management and development ng Eastern Communications sa PSA Forum noong Martes sa Philippine Sports Commission (PSC) dining hall.
“The event will also launch Eastern Communications’ newest products – prepaid DSL, powerphone, EvO DSL, and Go! Prepaid for our customers and business partners.”
Dumalo rin kasama ni Salud sa sesyon na ipiniprisinta ng Outlast Battery, PAGCOR, Accel at Shakey’s ay si Eastern Communications executive Bobby Ferriols.
Ang inaugural staging ay ginanap noong 2007.
Kasalukuyan ng ginaganap ang levelling sa PowerSmash gym.
Ang iskedyul ng event sa unang araw ay mula alas-8 ng umaga - alas-6 ng gabi, habang ang championship rounds ay sa 28th at half-day affair.