10-year-old American wagi sa Milo Junior netfest
MANILA, Philippines - Nakopo ng 10 anyos gulang na Amerikanang si Nicole Coppersmith mula sa Florida, USA ang katatapos na Milo Junior Tennis Cup nang sungkitin nito ang dalawang titulo sa San Beda, Alabang.
Winalis ni Coppersmith, panganay ng mag-asawang sina Maja Palaversic at Roy Coppersmith, ang kanyang asignatura sa dalawang division. Tinalo niya si Frances Angel Santiago, 6-2, 6-0 sa 10-under Unisex finals at Bianca Cruz, 6-3, 6-3 sa 12-under Girls finals cup at masungkit ang dalawang titulo.
Nakisosyo sa eksena sina Eric Olivarez, Jr. na hinatak ang 12-under Boys title laban kay Daniel Villaseñor sa super tie breaker 3-6, 6-4, 10-7; Christian San Andres na nanaig sa12-under Boys title 6-4, 5-7, 10-6 laban kay Daniel Villaseñor habang sinukbit naman ni Renz Ma ang 16-under Boys plum laban kay Nicolas Cano sa pamamagitan ng super tie breaker 6-4, 0-6, 10-7; at Richard Martinez na sinunggaban ang 18-under Boys crown laban kay Raprap Villegas, 6-3, 6-3.
Sa kababaihan, nakopo ni Maia Balce ang korona sa 14-under Girls nang daigin si Bea Ebriaga, 6-4, 6-3; napagwagian ni Samantha Cuyuito 16-under Girls trophy laban kay Bea Ebriaga, 6-0, 6-0; at isinubi ni Louise Lopez ang 18-under Girls crown laban kay Macrine Mijares, 6-2, 6-1.
Nasa ika-22nd edisyon na, ang Milo Junior netfest ay tinampukan ng mga pangunahing batang netters at nagsilbing panghuling aktibidad para sa Milo Junior Tennis programs, isang serye ng pambansang kompetisyon para sa age-groupers. Ito ay ginaganap sa patuloy na pagtulong ng Milo na makapagtatag ng kampeon sa sports at sa buhay.
- Latest
- Trending