Best Center di-dribol sa Pandi, Bulacan

MANILA, Philippines - Sisikad ang Best Center sa kauna-unahang out-of-town basketball training ngayong taon sa Pandi, Bulacan sa Enero 9 sa pagtatanghal ng level class 1 sa Pandi sports Complex.

Ang clinic ay gaganapin mula ala-una hanggang alas-5 ng hapon hanggang Pebrero 27.

Maaaring kontakin si organizer Romy Matias sa cellphone numbers 0905-4710032 at 0915-9233051.

Ang iba pang Best Center training sessions ay gaganapin sa buong bansa sa summer simula Abril 5.

Gayunpaman, nakatakda nang magsimula ang weekend class sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila tulad sa Ateneo, Xavier, Malate Catholic School at Starmall Alabang.

Ang Best Center ay pioneer basketball school sa bansa at nakapagproduce na ng mahihusay na manlalaro na tulad nina TY Tang, Joseph Yeo, Chris Tiu, JV Casio at Kieffer Racena.

Show comments