Ivanovic umusad sa semis

BRISBANE, Australia --- Umabante si Ana Ivanovic sa semifinal round matapos igupo si Anastacia Pavlyuchenkova, 6-4, 7-6 (6), sa Brisbane International kahapon.

Matapos kunin ang first set, 6-4, itinayo ni Ivanovic, ang 2008 French Open champion, ang 4-0 lamang sa second set bago ang ilan niyang palpak na serbisyo at unforced errors.

Inangkin naman ng 18-anyos na si Pavlyuchenkova, No. 40 sa mundo, ang anim sa sumunod na pitong laro bago mauwi sa tiebraker ang laro matapos ang kanyang double-fault.

Kinuha ng Russian ang 4-1 at 6-5 bentahe sa tiebraker kasunod ang kanyang errors sa sumunod na tatlong laro na nagbigay ng panalo kay Ivanovic,

Posibleng makasagupa ng No. 3 na si Ivanovic sa semifinals si Justine Henin.

Itinakas ng seven-time Grand Slam singles champion na si Henin ang 6-4, 6-3 tagumpay laban kay No. 132 Sesil Karatantcheva upang makatagpo sa quarterfinals si No. 7 Melinda Czink.

Show comments