^

PSN Palaro

Paghandaan ang Bukas

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Pamalit na ngang talaga si Danny Seigle kay Arwind Santos, noh!

Iyan ang naibulalas ng isa nating kaibigan fan ng San Miguel Beer na namamayagpag sa itaas ng standings ng KFC-PBA Philippine Cup sa record na 12-3.

May mixed emotions ang kaibigan kong ito. Kasi nga’y paborito niya si Seigle at gusto niyang makitang nabibigyan pa rin ito ng mahabang playing time. Pero siyempre, at the same time, natutuwa siya dahil nga sa nangunguna ang Beermen at baka masungkit nila ang isa sa dalawang automatic semifinals berths sa pagtatapos ng double round elims.

Sa totoo lang, bago pa man nagsimula ang season, ay agam-agam na ang ilang mga fans ni Seigle sa kahihinatnan ng kanilang idolo matapos na kunin ng San Miguel buhat sa Burger King si Santos.

Alam naman ng lahat na halos pareho ang pusisyon ng dalawang manlalarong ito.

Pero siyempre, hindi naman puwedeng maglaro "forever" si Seigle.

Oo’t naging bahagi si Seigle ng napakaraming kampeonatong napanalunan ng Beermen buhat pa noong nakaraang dekada. Sila ni Danilo Ildefonso ang maituturing na 1-2 punch ng San Miguel na ngayon ay siyang winningest team sa liga.

Pero hindi na bumabata pa si Seigle at kabi-kabila na ang injuries na sinasapit nito.

Sa totoo nga, kundi lang nagtamo ng injury si Seigle, marami ang nagsasabing dapat ay nagkampeon ang Pilipinas sa Busan Asian Games. Hindi siya nakabilang sa regular team nang magtamo siya ng injury sa paa at hinalinhan ni Mick Pennisi.

Sa kasaysayan ng PBA, masasabing si Seigle ang nagbigay ng pinakamahirap na match-up problems para sa coaches ng teams na nakalaban ng San Miguel.

 Nagbuhat nang siya’y maglaro ay hinangad na ng ibang teams na makakuha ng isang player na tulad niya upang ma-solve ang match-up problems na ito.

At si Santos nga ang isa sa nakuhang tatapat kay Seigle!

Pero ngayon, si Santos pala ang papalit kay Seigle sa San Miguel. Kumbaga’y changing of the guards ang nangyari sa simula ng season.

At okay naman ang ginawa ng Beermen. Pinaghahandaan nila ang kanilang future. Alam nila na si Seigle ay nasa mga huling taon na ng kanyang career bilang isang professional cager. Kailangang ngayon pa lang ay paghandaan na nila ang pag-reretiro nito.

Gaya ng paghahanda nila sa pagreretiro ng lead point guard na si Rodericko Racela sa pamamagitan ng pagkuha kina Jonas Villanueva at Mike Cortez.

Kagaya ng paghahanda nila sa pagreretiro ni Ildefonso sa pamamagitan ng pagkuha nila kina Pennisi at Anthony Washington.

Lahat ng ito’y bahagi ng isang "grand design" upang maseguro ang magandang transition at pananatiling malakas ng isang team.

Hindi kasi dapat nakukuntento ang isang basketball team sa pangkasalukuyang tagumpay.

Kaya naman nakakabilib ang San Miguel Beer!

ALAM

ANTHONY WASHINGTON

ARWIND SANTOS

BEERMEN

BURGER KING

BUSAN ASIAN GAMES

PERO

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with