^

PSN Palaro

Corteza, tutungo sa Spain

-

MANILA, Philippines - Punum-puno ng kumpyansa at handa ang kasalukuyang kondisyon ng ating pambato na si Lee Van Corteza para sa pagsabak sa Predator World Tour na sisiklab sa Enero 6-9 sa Lloret de Mar sa Girona, Spain.

Nakatakdang lumipad si Corteza sa Lunes bandang alas- 11 ng umaga.

Subok ang husay, asam ng tinaguriang “The Slayer” ang tagumpay para sa bayan. “Sana maganda ang performance natin dito sa Spain,” wika nito.

Hangad ang panalo, nais nitong madugtungan pa ang mga karangalang tinamo tulad ng pagkakaluklok bilang No. 4 player sa World Pool-Billiard Association na kumolekta ng kabuuang 1,175 points. 

Matapos maghari sa prestihiyosong Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) 4th National Pool Championship noong isang buwan, ito ang unang laban nito matapos ang nasabing pananaig.

Pinaluhod niya ang dating Predator 10-Ball champion na si Dennis Orcollo sa semis, 9-7, at kinopo rin ang “giant killer” na si Rodrigo Geronimo, 11-6, sa finals upang ibulsa ang P100,000 na papremyo ng torneong ginanap sa Star Billiards Center.

Humakot ng sunud-sunod na titulo noong nakaraang taon, namayani rin ang Davaeonong si Corteza sa Derby City Classic 10-Ball Challenge, naging runner-up finish din ito sa World Ten Ball Championship at Derby City Classic 9-Ball Challenge. Naging third-placer finish pa sa World Mixed Doubles at fourth-place finish ng US Open 9-Ball Championship.

Matapos ng laban sa Spain, muling bibiyahe si Corteza upang makipagtipan para sa Derby City Classic sa USA na eeksena sa Enero 22-30. Hindi pa rin makakapahinga, aalis muli ito patungong Europe para sa paglahok sa 1st WPA World Team Championship sa Enero 30 hanggang Pebrero 7, 2010 sa Germany.

Ang 1st WPA World Team Championship ay tatangahaling pool Olympics na magtatampok ng 8-ball, 9-ball at 10-ball kung saan nakataya ang $100,000 pa-premyo para sa magkakampeon.

Makakasama ni Corteza para ibandera ang Nationals na sina WPA 8-ball at 9-ball champion Ronato Alcano, Antonio Lining, Warren Kiamco, Marlon Manalo at Dennis Orcollo. (Sarie Nerine Francisco)

ANTONIO LINING

BALL

BALL CHALLENGE

BALL CHAMPIONSHIP

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

ENERO

WORLD TEAM CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with