Demandang isinampa ni Pacquiao kay Mayweather 'di biro

MANILA, Philippines - Maraming nagsasabi na pawang ‘trash talks’ lamang ang pagdedemanda ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. ngunit mas marami ang naniniwalang isang seryosong usapin ang kasong isinampa ng Pinoy ring icon at hindi ito basta-basta biro.

Ang kaso, ay isang ma-lisyoso at maling paratang kay Pacquiao ni Mayweather at ng mga kasama.

Ngunit ang reklamo ni Pacquiao laban kay Mayweather ay hindi pwedeng sabihin ng Amerikano na isang press release.

Kung pagbabasehan ang kasaysayan ng pagdinig, makakasira sa imahe ng sports personalities ang demanda tulad ng defamation lalo na kung ang isyu ay tungkol sa paggamit ng performance-enhancing drug.

Maaring bumalik ang demanda. Isang halimbawa batay sa ulat ng New York Daily News ay ang kasong defamation na isinampa ni Roger Clemens kay Brian McNamee na naglagay sa reputasyon ni Clemens. Pwede ring ikonsidera ang kasong isinampa naman ng boxer na si Shane Mosley laban kay BALCO founder Victor Conte, na kung saan umabot ng dalawang taon at nagkaroon ng hindi magandang desposisyon, pagpapalit ng mamahaling lugar at pagsasapubliko ng grand jury testimony ni Mosley noong 2003 kung saan sinabi nitong nag-inject siya ng endurance boosting EPO.

Ngayon, nakasama na si Pacquiao sa listahan ng mga dakilang atleta na sina Clemens, Mosley, Lance Armstrong, Marion Jones, at swimmer Ian Thorpe na sumagot sa mga alegasyong paggamit ng ipinagbabawal na droga. Bagamat wala sa kanila ang halos nakalapit sa tagumpay na naisara ang jury trial, marami din sa kanila ang nabigo.

Gayunpaman, sa kaso ni Pacquiao, hindi masasabing biro ang demandang ito dahil bukod kay Mayweather, kasama din ang kanyang amang si Floyd Sr., ang kanyang tiyuhin na si Roger at maging ang Mayweather Promotions at ang Golden Boy Promotions executive na sina Richard Schaefer at Oscar De la Hoya ay kasama sa mga kinasuhan.

Samantala, isa sa nire-respetong boxing analyst, ang beteranong si Larry Merchant ay nagsabing wala siyang nakikitang ebidensiya na gumagamit ng performance-anhancing drugs si Pacquiao.

“I see no indications that Pacquiao is anything but an exceptional, elite fighter. There are many precedents in boxing of smaller fighters to move up in weight division and be successful later in their careers. Oscar De La Hoya himself started out as a 130-pound titleholder and wound up fighting middleweights which is 30 pounds north of that,” pahayag ni Merchant sa USA Today.

Ayon pa kay Merchant, isang bitag’ ang paghiling ng kampo ni Mayweather na sumailalim si Pacquiao sa Olympic-style random drug tests.

 “I thought it was just some gamesmanship by Mayweather who has a certain talent for mind games with opponents, creating conflict to help promote events. It appears that it has spiraled out of control. I couldn’t imagine why. First of all, since he thinks he’s going to win the fight and second of all because he’s going to make upwards of 30 million or 40 million dollars, how could you take it seriously?” aniya pa.

“They seem serious about it. Almost as if they were saying Pacquiao can’t be this good on his own. Now it’s seems like it’s a bloodbath. There’s no precedent for fighters who have already decided how to divide the money then find issues that would break up a huge event. It’s hard to take seriously even if it appears to be serious.” dagdag pa niya.

Show comments