^

PSN Palaro

Banal-Santos fight sa Jan. 14

-

MANILA, Philippines - Masusukat uli ang husay ni AJ Banal sa pagpasok ng unang buwan sa taong 2010.

Si Banal ay agad na ilalaban sa Enero 14 sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino laban sa matinik na Mexicanong si Cecilo “Boga” Santos na pagtutulungang itaguyod ng SMART Sports at TV-5 katuwang ang Ala Promotion.

Si Santos ay beterano ng 37 laban at nanalo ng limang regional championship sa larangan ng super flyweight hanggang bantamweight sa WBC, WBO at WBA.

Ang nasabing Mexicano rin ay napalaban na sa mga bigating boksingero tulad nina Fernando Motiel, Veeraphol Sahaprom, Dimitri Kirilov at Anselmo Moreno.

“Hindi magiging madali ang labang ito para kay AJ. Talagang gusto namin siyang ilaban sa ma­bigat na laban upang malaman kung puwede na talaga siya na lumaban sa world title,” wika ni Michael Aldeguer ng Ala Promotions na humahawak kay Banal.

Makakasama ni Banal na sasalang sa nasabing fight card ay si Milan “Melinyo” Melindo na aakyat na ng timbang at haharapin si dating WBC Youth Intercontinental Flywieght champion Anthony Villareal ng US. (LMC)

Ang iba pang ilalagay sa fight card ay sina James Bacon laban kay Thitichon Singwancha at Larry Canillas laban kay Petch Twin Gym.

Ang dalawang dayuhan ay mula sa Thailand at tiyak na bibigyan din ng magandang laban ang mga Filipino pugs.

vuukle comment

ALA PROMOTION

ALA PROMOTIONS

ANSELMO MORENO

ANTHONY VILLAREAL

DIMITRI KIRILOV

FERNANDO MOTIEL

JAMES BACON

LARRY CANILLAS

MICHAEL ALDEGUER

PETCH TWIN GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with