^

PSN Palaro

Patriots reresbak sa Dragons

-

MANILA, Philippines - Babangon mula sa pagkasawing tinamo sa nakali­pas na laban, bitbit ang ba­gong pag-asa, sasagupain ng The Philippine Patriots ang Kuala Lumpur Dragons ngayong araw para sa pagpapatuloy ng 1st ASEAN Basketball League (ABL) Championship sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bagamat malungkot pa rin sa masaklap na pagka­talo sa kamay ng Brunei Bar­racudas, 95-70, inaasahang reresbak ang Patriots sa pang-alas 4 laban upang mabuhay ang tiket sa pagiging No. 1 seed sa Final Four.

Sa muling pagbabalik ni Noy Baclao sa hard court ma­­tapos ang pagliban nito nang lumaro muna sa Ateneo sa championship round ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL) kontra Far Eastern University. Ang panandaliang pagkawala ni Baclao at Elmer Espiritu sa eksena ang isa sa mga na­ging kahinaan ng tropa.

Ngunit nananatiling ala­nganin pa rin ang magi­ging performance ni Espiritu nang magkaroon ito ng diperensya sa cheek bone nang matamaan ni American import Nakiea Mil­ler.

 Subalit nangunguna pa rin ang Patriots para sa 6-nation tournament na may 7-2 rekord ngunit hindi sila dapat maging kampante at kailangang maging matinik nina import Jason Dixon at Brandon Powell para sa Patriots at maibaon sa limot ang kanilang na­lasap na hu­ling kabiguan. (SNF)

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

BRANDON POWELL

BRUNEI BAR

ELMER ESPIRITU

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JASON DIXON

NAKIEA MIL

NOY BACLAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with