Pacquiao World's Greatest Ever Featherweight
MANILA, Philippines - Kinilala bilang World’s Greatest Ever Featherweight si Manny Pacquiao na magdiriwang ng kanyang 31st kaarawan ngayon, sa botohang isinagawa sa buong mundo ayon sa www.thesweetscience.com.
Pumangalawa naman si Pacquiao, naka-schedule na lumaban kay Floyd Mayweather Jr. sa Marso 13 ngunit hindi pa natatapos ang negosasyon, kay Sugar Ray Robinson para sa Worlds Greatest Boxer ever.
Si Muhammad Ali ang binotong Greatest Ever Heavyweight of all time, kung saan tinalo niya si Mike Tyson.
Si Pacquiao ang bumandera sa pinakamaraming boto para pangunahan ang botohan sa featherweight category kung saan nakakuha ito ng 50% ng mga boto para talunin ang alamat na si Ali.
Ito ang pinakahuling pagkilalang tinanggap ni Pacquiao matapos manguna rin sa botohan sa HBO bilang Boxer of the Decade at Nanomina bilang Athlete of the Year ng US Sports Academy.
Samantala, hindi makakarating si Miguel Cotto sa selebrasyon ng kaarawan ni Pacquiao sa General Santos City ngunit inaasahang marami pa ring matataas na opisyal, mga showbiz personalities ang magbibigay kulay sa ‘birthday bash’ ng Pambansang Kamao.
Nais sana ni Cotto na paunlakan ang imbitasyon ni Pacquiao ngunit masyadong mahaba ang biyahe mula sa Puerto Rico patungo sa Gen San.
Si Sugar Ray Robinson ay nanalo ding Best Boxer sa welterweight at middleweight division.
Ang iba pang nanalo ay sina Ali,World’s Greatest Ever Heavyweight, World’s Greatest Ever Light heavyweight, Roy Jones Jr. ?World’s Greatest Ever Lightweight, Roberto Duran,World’s Greatest Ever Bantamweight Wilfredo Gomez, World’s Greatest Ever Flyweight? Ricardo Lopez.
Ang mga fans buhat sa ibang bansa ay bomoto sa mga nominated boxers na pinili ng mga kilalang boxing analysts--sina Al Bernstein, Tom Hauser, Ron Borges, Jean-Philippe Lustyk at Colin Hart kung saan 500,000 boto ang pumasok mula sa botohang nagsimula noong June sa www.greatestever.com. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending