^

PSN Palaro

Magnolia, Cobra nagpalakas para sa PBL

-

MANILA, Philippines - Pinalakas ng Magnolia Purewater at Cobra Energy Drink ang kanilang team pa­ra sa nalalapit na PBL sea­son sa pagkuha ng ilang high-profile collegiate pla­yers sa Rookie Entry Expo na ginanap noong Martes sa Robinson’s Forum sa Man­daluyong.

Hawak ang dalawang ma­huhusay na players na sina Paul Lee at Parri Llagas ng University of the East sa protected list, kinuha rin ng Cobra si Eric Salamat ng Ate­neo. Tentative na naka-schedule ang pagbubukas ng torneo sa Jan. 16.

Hinugot din ng Cobra, atat nang manalo ng kani­lang unang titulo sa liga ma­tapos ang tatlong taong pagkampanya sa liga, sina Far Eastern University hotshots Paul Sanga at Reil Cervantes, Peejay Barua ng La ­Salle, San Bedan Dave Marcelo, Allan Mangahas ng Mapua at Atenean Jai Reyes.

Kinuha naman ng Magnolia si Fil-Am Marcio Lassiter bilang top pick overall at inilagay sina Ford Araong Ateneo at Fil-Am Edwin Torres sa protected list.

Sa draft, bawat team ay pinahintulutang mag-protect ng dalawa sa kanilang mga players.

Kinuha din ng Magnolia, pioneer member ng liga, si­na former Hapee players Lance Convento, James Se­na at Josh Vanlangdingham at nabingwit din nila si NCAA MVP John Wilson ng Jose Rizal University at San Bedan Jake Pascual. (MB)

Tatlo pang teams na nakibahagi sa “rebooting” ng liga ang nakasilo ng magagaling na players na inaasahang magbibigay excitement sa liga.

Kahit ang mga baguhang teams na Excel Roof at Phoenix ay may kakayahang makipagsabayan sa mga old timers na Magnolia, Cobra at Ascof Lagundi (dating Pharex).

Nag-leave-of-absence ang Harbour Centre, nanalo sa huling pitong tournaments ng liga na siya pinakamahabang winning streak sa kasaysayan ng PBL, at ang Hapee Toothpaste.

Limang teams lamang ang nakibahagi sa proseso ngunit hindi isinasara ni Commissioner Chino Trinidad ang pinto sa ibang teams dahil marami pang mahuhusay na players na natitira sa draft list.

 Ang core ng NCAA champion San Sebastian College dagdag ang ilang veteran players, kabilang si Chester Taylor, ang bubuo ng Excel Roof.

Habang ang Adamson Falcons na magdadala ng Phoenix ay pangungunahan ni

Jan Colina at Michael Galinato ng Adamson, Gio Ciriacruz ng Arellano at Raymond Austria ng Ateneo.

Sina veteran JR Gerilla, Rex Leynes, James Mangahas ng La Salle, Raymond Aguilar at John Cubillo ang babandera sa Ascof Laguni.

ADAMSON FALCONS

ALLAN MANGAHAS

ASCOF LAGUNDI

ASCOF LAGUNI

ATENEAN JAI REYES

CHESTER TAYLOR

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

ERIC SALAMAT

EXCEL ROOF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with