Ateneo naunahan ng FEU sa Game One
MANILA, Philippines - Nagningning si RR Garcia nang paamuhin ng Far Eastern University ang Ateneo, 75-70, para sa nalalapit na pagtatapos ng Philippine Collegiate Champions League saYnares Sports Arena sa Pasig City.
Ang 5’10 na ipinagmamalaki ng Zamboanga city, ang humatak ng 10 puntos sa kanyang game-high na 22-puntos upang banderahan ang Tamaraws sa 1-0 abante ng kanilang best-of-three titular showdown at makalapit sa pangalan bilang pinakamalakas na koponan sa collegate level.
Bumangon mula sa nakakadismayang season ng UAAP, itinakda ng Tamaraws ang Game 2 ngayong alas-3:30 ng hapon.
Gayunpaman, bitbit ang buong pag-asa at determinasyon bilang hari ng UAAP, hindi papayag ang Blue Eagles na basta-basta makakawala ang kanilang pinanghahawakan titulo sa sa UAAP at paninindigan ang titulo at mapatunayan sila ang pinakamagaling sa buong kolehiyo.
At kapag nagawa nila ito, ang game three ay magaganap sa Linggo.
Isa na namang kapana-panabik na clutch game ito para kay Garcia, na sumingasing sa kanyang 10 puntos sa kabuuang 28 puntos sa kanilang 86-83 panalo sa NCAA titlist San Sebastian College na nagbigay sa kanila ng karapatang harapin ang Ateneo, na umatras sa torneo upang ituon ang sarili sa pag-aaral at puwesto sa Smart Gilas team.
Nauna rito, humatak ng lakas ang San Beda College sa ibang players sa pagkawala ng kanilang sandata upang sorpresahin ang NCAA titlist Stags, 91-85 upang isubi ang ikatlong puwesto. (SFrancisco)
- Latest
- Trending