^

PSN Palaro

Arum, Schaefer magsasagawa ng survey sa Dallas Cowboys stadium

-

MANILA, Philippines - Seryosong kinokonsi­dera ang Cowboys Stadium sa Dallas Texas na venue ng megafight nina Manny Pacquiao at Floyd Maywea­ther Jr.

Nakatakdang i-survey ng mga promoter na sina Bob Arum at Richard Schaefer ang bagong Dallas Cowboy stadium kasama sina HBO Sports president Ross Greenburg.

Inaasahang ihahain ni Jer­ry Jones ang kanilang pro­posal para i-host ang la­ban ayon sa isang taong may kinalaman sa promotion.

Sa katunayan seryoso ang Cowboys team owner na si Jerry Jones na i-host ang pinakaaabangang laban ng dalawang maiinit na boxers sa ngayon at han­da itong gawin ang lahat para ganapin sa kanyang 80,000-seater stadium.

“We are still desirous of looking at what we can do,” ani Jones na ilang beses nang kinausap si Bob Arum ng Top Rank ukol sa pagho-host ng laban.

Gayunpan, kinokonsi­dera pa rin ang New Orleans Superdome at ang Las Vegas.

Nagbi-bid pa rin ang MGM Grand na pinag-da­usan ng huling malalaking laban nina Pacquiao at Mayweather.

May panukala ring temporary outdoor stadium sa Las Vegas Strip.

Base sa mga huling kal­kulasyon ng mga boxing ex­perts, inaasahang mahigit sa $50 milyon ang kikitain ni Pacquiao.

Kung tatanungin si Pacquiao at ang kanyang trainer na si Freddie Roach, nais ni­lang gawin ang laban sa Las Vegas kung saan idinaos ang kanyang mga laban.

Dahil dito, may impli­kas­yong umuusad ang ne­­go­­s­asyon ng magkabilang panig at inaasahang magkakaroon ng press conference sa New York sa January 6 upang por­mal na ihayag ang mga de­talye ng laban sa Marso 13. (Mae Balbuena)

BOB ARUM

COWBOYS STADIUM

DALLAS COWBOY

DALLAS TEXAS

FLOYD MAYWEA

FREDDIE ROACH

JERRY JONES

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with