KHANTY-Mansiysk, Russia--Nagtapos na ang pagiging 'giant killer' ni GM Wesley So ng Philippines sa 2009 World Chess Cup nitong Miyerkules.
Si So, na tinagurian dito ng mga foreign chess media bilang 'biggest sensation in the tournament,” ay nabigo ang lahat ng tatlong laro ng kanyang rapid tiebreak matches kontra kay GM Vladimir Malakhov ng Russia sa ikaapat na round at tuluyan ng napatalsik sa kontensiyon sa Khanty-Mansiysk Center of Arts.
Nabigo ang 16-anyos Filipino champion na matapatan ang mas matanda at mas malawak na karanasan ni Malakhov sa unang dalawang classical games na gaya ng kanyang ginawa ng payukurin niya ang dating world championship finalist na si GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine at defending champion GM Gata Kamsky ng Amerika sa unang rounds.
Matapos ang dalawang mahigpitang draw sa kanilang classical games, napuwersa si So na muling harapin ang 22nd-seeded na si Malakhov (ELO 2706) sa rapid tiebreak. Suba-lit hindi napaghandaan ng husto ng Pinoy ang tiebreaks kung saan dito mas bihasang lumaro si Malakhov.
Natapos ang kanilang dwelo sa iskor na 4-1 pabor kay Malakhov.
Sa kabila ng kanyang pagkabigo na makarating sa final eight, nagbulsa naman si So ng US$30,000 sa prize money matapos na makarating sa round-of-16.