^

PSN Palaro

Bronze medal nakawala pa sa RP Youth

-

JOHOR BAHRU, Malaysia—Winakasan ng Iran ang binubuong magandang pagtatapos ng Team Philippines nang kanilang dispatsahin ang Nokia U-16 Team Pilipinas sa overtime, 83-73, para sa second runner-up finish sa Fiba Asia U-16 Men’s Championship noong Biyernes ng gabi sa Bandaraya Stadium dito.

Sumablay si second-string center Jeoffey Javillonar sa easy putback sa regulation at nag-struggle ang Nationals sa overtime, kung saan hinayaan nilang umiskor ng 13-0 ang Iran para maiuwi ang third-place trophy.

Kinagabihan, humataw ang China sa second half upang igupo ang Korea, 104-69, para makopo ang titulo sa inaugural tourney kung saan ang dalawang finalist teams ay makakasama sa Fiba World U-17 Men’s Championship sa Hamburg, Germany sa susunod na taon.

“It was Team Pilipinas’ second heart-breaking loss to Iran since winning twice in the 2nd Nokia Invitational Cup in Cebu City recently,” wika ni National mentor Eric Altamirano.

Binubog ng Iran ang Team Philippines sa quarterfinals, 76-70, upang makaharap ng mga Pinoy ang China sa semifinal round, kung saan nabigo din sila.

Isinuko ng mga Filipinos ang mas magandang pagtatapos matapos yumukod sa China sa semifinals, 66-85, at sa Iranians sa battle for third.

Ngunit ang fourth place finish ay isang malaking achievement na para sa RP squad.

“We have high hopes entering this tournament,” sabi ni Tao Corp. president Jun Sy, ang chief sponsoring team. “We don’t measure success with what we achieved here. This is a very young team, and we’re just in the second year of our three-year program. For us, this is already a big achievement. Fourth place is already good enough. We’ve overachieved.”

BANDARAYA STADIUM

CEBU CITY

ERIC ALTAMIRANO

FIBA ASIA U

FIBA WORLD U

JEOFFEY JAVILLONAR

JUN SY

TEAM PHILIPPINES

TEAM PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with