^

PSN Palaro

Welterweight champions nais ubusin ni Mosley kabilang na si Pacquiao

-

MANILA, Philippines - May misyon si Shane Mosley at ito ay ubusin ang mga welterweight champions para mahanay sa mga mahuhusay na boksingero sa naturang division. Ayon sa examiner.com.

At para mangyari ito, kailangan niyang talunin sina Manny Pacquiao, Floyd Mayweather Jr. at ang tumalo sa kanyang si Miguel Cotto.

Sisi-mulan ni Mosley ang kanyang misyon sa January 23 sa pakikipagharap kay WBC champion Andre Berto, na magbibigay sa kanya ng dalawang welterweight titles

"I love boxing. I give myself about three or four more years and hopefully by that time I should be able to wipe out the division," ani Mosley. "Any fight at welterweight is going to be exciting for me. Any time I get in the ring it's going to be exciting, it's going to be a show, it's going to be an event. I love fighting. I don't care who it is as long as they are the top welterweights. I want to clean out the division."

Si Mosley ang paboritong kumalaban sa mananalo sa inaabangang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. bout na kasalukuyang nasa negosasyon pa.

Bukod kay Mosley, ang isa pang pumupuntirya kay Pacman ay si Amir Khan.

Si Mosley ang isa sa mga options ng Team Pacquiao sakaling hindi matuloy ang laban kay Mayweather.

Tigil muna ang usapan nina Golden Boy Promotions' Richard Schaefer at Top Rank chief Bob Arum para sa Pacquiao Mayweather fight.

Nagbabakasyon si Arum, promoter ni Pacman sa Aspen, Colorado, at nakabakasyon din si Schaefer, kumakatawan naman kay Mayweather.

Magpapatuloy ang negosasyon sa Lunes.

Hiling ng HBO na gawin ang laban sa May ngunit hindi pa ito nakakarating kay Pacquiao. (MBalbuena)

AMIR KHAN

ANDRE BERTO

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOLDEN BOY PROMOTIONS

MANNY PACQUIAO-FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

MOSLEY

SI MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with