KUALA LUMPUR, Malaysia – Sumandal ang Philippine Patriots sa imports na sina Jason Dixon at Brandon Powell sa final period upang hatakin ang 73-63 panalo laban sa Kuala Lumpur Dragons sa ASEAN Basketball League noong Linggo sa MABA Stadium dito.
Pinagsama ang bilis, creati-vity at tatag, humatak ng double-double performance ang 6’10 na si Dixon na may 17 puntos at 16 rebounds nang masungkit ng Patriots ang ikatlong sunod na panalo at ikaapat sa kabuuan sa home-and-away tournament.
Ito ang pinakamagandang larong ipinakita ng dating PBA import sa inaugural 6-nation tournament.
Si Powell, ang 6’5 guard na kilala sa kanyang rugged defense ay naglista din ng 17 puntos kabilang na ang dalawang tres na tumulong sa Patriots na maungusan ang Dragons sa 25-9 run sa deciding quarter.
Dahil sa panalong ito, naisemento ng Patriots ang kanilang ikalawang posisyon sa likuran ng Singapore Slingers na may 5-1.
“It was a scary win, good thing we recovered our bearing in the fourth period,” ani RP Patriots coach Louie Alas. “This is a wake-up call for the players. They can’t take anyone in the tournament lightly.”
RP PATRIOTS 73 -- Powell 17, Dixon 17, Ybañez 8, Baclao 8, Baguion 7, Espiritu 6, Acuna 5, Wainwright 3, Daa 2, Sta. Maria 0, Mirza 0.
KL DRAGONS 63 -- Kuete 13, Lingganay 10, Hugnatan 10, Loh 9, Batumalai 9, Bandaying 6, Wee 3, Chee 2, Koh 1, Ho 0, Chai 0, Brown 0.
Quarterscores: 19-13, 34-31, 48-54, 73-63.