NCBA, host ng UCLAA 2nd Season

MANILA, Philippines - Nakatakdang sumali ang Manuel L. Quezon University sa pagbubukas ng ikalawang season ng Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) na magsisimula sa Nov. 20 sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Dahil sa pagsaling ito ng MLQU, na nanguna sa pre-season basketball tournament, umabot na sa 8 ang kabuuang bilang ng koponan sa ligang para sa mga Luzon-based schools.

Makakasama ng MLQU ang foundaing members St. Francis of Assisi College, National College of Business and Arts, De Ocampo Memorial College, Philippine College of Criminology, Pamantasan Lungsod ng Muntinlupa, Metro Manila College at St. Jude College.

Bubuksan ni NCBA Atty. Jose R. Torres Jr. bilang pangulo ang opening ng ikalawang season ng UCLAA.

Ang St. Francis at PCCRs ang kampeon sa men’s at juniors basketball, habang ang St. Jude ang naghari sa men’s at women’s volleyball.

Show comments