Pilipino Star Ngayon kampeon pa rin sa NPC

MANILA, Philippines - Napanatili ng Pilipino Star Ngayon shuttlers ang pagiging kampeon sa 2nd leg ng National Press Club Invitational Badminton Cup nitong nakaraang Linggo sa Rizal Badminton Center.

Iginupo ng PSN shuttlers ang PNP Press Corps/ABS-CBN team, 3-0 sa championship match makaraang bokyain rin sa semifinals ang National Press Club team na tinanghal na 2nd.

Binubuo ang koponan nina Jona Magnaye, Nikki Cordero, Dahlia Saguid, Edu Punay, Glenn Padpad at Ariel Bentajado.

Tinanghal naman na kampeon sa Ladies Doubles sina Magnaye at Cordero habang naghari sa Mixed Doubles sina Punay at Saguid.

Show comments