^

PSN Palaro

Tuloy pa rin ang rah-rah-rah!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

NOONG Linggo ay ipinagdiwang ni Rodericko Racela ang kanyang ika-39 kaarawan. Kung titignan ang record books ng Philippine Basketball Association ay makikitang siya na ang pinakamatandang active player sa kasalukuyang season.

Aba’y parang kailan lang ay totoy na totoy siyang pumanhik sa pro league nang kunin siya ng Purefoods Tender Juicy Giants sa 1993 Draft.

Loaded ng talents ang Draft sa taong iyon kung kailan ang naging No. 1 pick overall ay si Zandro Limpot na kinuha ng noo’y baguhang team na Sta. Lucia Realty. Ang second pick ay si Victor Pablo at ang third pick ay si Johnny Abarrientos.

Ang tatlong manlalarong nabanggit ay pawang retirado na pero si Racela ay patuloy na naglalaro. Sino ang mag-aakalang magkakaganito ang takbo ng career ng mga miyembro ng batch 1993?

Ang unang apat na taon ni Racela ay ginugol niya sa Purefoods kung saan hindi naman siya ang naging lead point guard kundi si Dindo Pumaren. Noong 1997 ay ipinamigay siya ng Purefoods sa San Miguel Beer kung saan umusbong ng todo ang kanyang husay sa ilalim ni coach Ron Jacobs.

Naaalala pa ng lahat na nang lumipat siya sa San Miguel at tanungin siya ni Jacobs kung ano ang pinakagusto niyang mangyari, sinabi ni Racela na nais niyang maging designated free throw shooter ng Beermen. At ito’y ibinigay naman sa kanya.

Bilang isang Beerman ay napakaraming kampeonatong napanalunan ni Racela. Ang pinakahuli nga’y ang sa 2008-09 Fiesta Conference.

Sa totoo lang, ilang seasons na rin namang kumakalat ang usaping magreretiro na siya, pero hindi pa iyon nangyayari. Baka sakaling sa pagtatapos ng kasalukuyang season ay tuluyan na ngang mamaalam sa paglalaro si Racela.

At ito’y pinaghandaan na ng San Miguel Beer. Aba’y four-deep ang kanilang backcourt rotation. Bukod kay Racela ay nagsisilbing point guards sina Mike Cortez, Jonas Villanueva at Dennis Mianda na kinuha ng Beermen buhat sa Sta. Lucia Realty bago nagsimula ang season. Napakatibay ng backcourt ni coach Bethune "Siot" Tanquingcen. Walang iba’ng PBA team ang may ganitong karaming point guards!

Kita naman ng lahat na pahap-yaw na lang ang gamit kay Racela. Hindi na mahaba ang kanyang playing time. Pero kung tutuusin ay puwede namang habaan! At kung hahabaan, tiyak namang kaya pa ni Racela na makipagsabayan sa mga batang point guards.

Pero wala na namang dapat na patunayan si Racela, e. Kumpara sa iba’y maganda ang naging career niya at wala na siyang hahanapin pa.

Marahil, isa o dalawa pang kampeonato ang kanyang minimithi bago siya tuluyang mamaalam sa PBA.

***

HAPPY birthday kina Angela Pascua-Revilla na magdiriwang bukas, November 8 at Rhea Navarro sa Nov. 12

ANGELA PASCUA-REVILLA

BEERMEN

DENNIS MIANDA

DINDO PUMAREN

FIESTA CONFERENCE

LUCIA REALTY

RACELA

SAN MIGUEL BEER

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with