Ama ni Paeng Nepomuceno, yumao

MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na si Angel “Pappy” Nepomuceno, ang winningest coach sa kasaysayan ng Philippine bowling at ama ni six-time world champion Paeng, noong Sabado (Oct.31) dahil sa matagal ng karamdaman. Siya ay 81 anyos.

Naiwan niya ang kanyang maybahay nay si Teresita “Baby” Villa-Real at mga anak na sina Paeng, Marissa N. Go, Susie N. Pineda, Ditas N. Samson at Len N. Guiao. 

Sa ilalim ng paggiya ni Pappy, nakopo ni Paeng ang anim na world titles sa tatlong magkakaibang dekada at 113 pang ibang tournament crowns at nakapagtakda ng tatlong Guinness World Records, na hindi na nabubura hanggang ngayon.

At sa kahilingan ng kanyang pamilya, si Pappy ay iki-cremate. Nakahimlay ang kanyang labi sa San Francisco Chapel sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park.

Show comments