MANILA, Philippines - Malaki ang kontribusyon ni Fil-American fighter Ana "The Hurricane" Julaton sa pamayanan ng San Francisco, California.
Sa isang simpleng seremonya, pinarangalan si Julaton ni San Francisco Mayor Gavin Newsome kasama ang talum-pati ni Fil-Am liason Lisa Ang na pumuri sa mga karangalan ng Fil-Am boxer na naging inspirasyon ng kanilang lungsod.
Sa proklamasyon ni Newsome, idineklara ang Oktubre 29, 2009 bilang "Ana Julaton Day" bilang pagkilala sa mga nagawa ni Julaton sa San Francisco, California.
Pinahalagahan rin ni New-some ang pakikiisa ni Julaton sa mga community leaders para sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy" at "Pepeng" sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Julaton ang Fil-American community sa San Francisco kaugnay sa pagkalap ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyo.
Matapos angkinin ang bakanteng International Boxing Asociation (IBA) female super bantamweight title, target naman ni Julaton ang World Boxing Organization (WBO) World Championship.
Nakatakdang lumaban si Julaton, may 5-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 1 KO, sa Disyembre 4 sa HP Pavilion sa San Jose, California para sa WBO World super bantamweight title.
Tinalo ni Julaton si American Kelsey Jeffries via majority decision noong Setyembre 12 para sa bakanteng IBA female super bantamweight belt sa tulong ni Filipino trainer Nonito Mang Dodong" Donaire, Sr. (Russell Cadayona)